Maraming acting opportunities pero singing pa rin ang pinili ni Sitti

HUMARAP ang nag-iisang Bossa Nova Queen na si Sitti fresh from their Sessionista’s US tour para sa presscon ng kanyang concert titled “Ang Aking Awitin” on September 16, Friday, 8 p.m. sa Music Museum. This is in connection with her 10th year celebration in the entertainment industry and is presented by La Carmela de Boracay.

Ni-reveal din sa amin ni Sitti na sa dalawang pagkakataon na nag-concert sa abroad ang Sessionista laging may malaking acting opportunities na dumarating sa kanya na sad to say, ay pareho rin niyang tinanggihan.

“‘Yung ‘Emir’ po. I’m supposed to do that. I’m the title role. Kaya lang ‘yung 2009 nataon may Sessionista’s Tour. Kasi ASAP po, e. ‘Tsaka nauna naman po talaga ang ASAP. And then, ‘yung second naman is they wanted to get me as sister ni Sarah Geronimo roon sa Sarah-Gerald (Anderson) movie. Ganu’n din, saktung-sakto rin sa Sessionista na concert. Sabi ko nga, I don’t know what God is trying to tell me, e,” pahayag niya.

Going back sa concert ni Sitti, special guests niya sa Ang Aking Awitin sina Rico Blanco, Duncan Ramos na may bonggang special dance number sila na first time gagawin ng Bossa Nova Queen at si Jett Pangan with the special participation of DJ Dense Modesto and the Whiplash Dancers. Si Calvin Nierra ang director at si Ria Villena-Osorio naman ang musical director.

Happy naman si Sitti sa nangyayari sa takbo ng kanyang career at pangangalaga ng kanyang talent management na Backroom.

“Yeah, happy ako. Tingin ko naman po lahat ng ‘to nangyari sa akin parang nakatakda po talaga siyang mangyari para sa akin. And, ah, kung anuman po ang dapat ko’ng natutunan sa mga nangyari na ‘yon, I think na-achive ko naman po ‘yun. “And sa totoo lang I just want to improve, I want to do better, do more songs na hindi lang bossa,” sabi pa ni Sitti.

Nagbigay rin ng comment si Sitti sa pag-alis ni Boy Abunda sa Backroom. Maayos naman daw silang kinausap ng naiwan na staff ni Kuya Boy sa Backroom sa bagong management.

“Uhm, actually, si Tito Boy personally hindi ko pa talaga nakakausap. It was sina Jonathan, sina Ate Weng ng Backroom. Ang una ko’ng reaction sabi ko parang wala namang masyadong pagbabago na mangyayari kasi ‘yun nga po I believe Tito Boy will always be there to guide us. He’s very approachable, very reachable. Anytime we need something to consult him with, and’yan siya. I don’t think anything will change talaga,” esplika ni Sitti.

Mabuti at ‘di naisip ni Sitti na iwan ang Backroom tulad ng homegrown talent nila na si Erik Santos.

“Ah, matagal na ako sa Backroom and we work well together and I really like where  my career is going. Dito na talaga ako, pang-matagalan na,” diin niya.

-ooOoo-

BALIK-PINAS rin ang sexy all-female group na Mocha Girls. Galing sila ng Dubai kung saan nag-perform siya with other different international artists gaya ni Kelly Rowland.  Ang Mocha Girls talaga ang nanguna via online sa mga Pinoy sa Dubai na pumiling ang sexy all-female group ang makita nilang mag-peform roon.

Successful naman ang pagpunta ng grupo sa Dubai. In fact, pinagkaguluhan talaga sila ng mga Pinoy habang nagpe-perform. Kaya nga lang nagkaroon ng problema dahil ‘di sila agad nasabihan na may restrictions pala ang Dubai government sa pagpe-perform lalo kung babae ang artists.

Hinuli at muntik nang ikulong ang Mocha Girls dahil bawal daw ang ginawa nila sa stage at pagkamay sa audience na very normal naman na ginagawa nila as part of their act kapag nagko-concert sila. Although, naayos naman ang lahat at nagkaintindihan din.

Napaka-kontrobersyal talaga ng Mocha mapa-Pilipinas o mapa-abroad man, huh?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply