Maraming kaso

DUMULOG na sa Kongreso ang Homeowners Association ng Metro Heights Subdivision ng Quezon City at mismong si Committee on Justice Chairman, Congressman Niel Tupaz, Jr., ang nangako sa kanila na titingnan ang kaso na kanilang iprinisinta sa House of Representatives.

Binulabog nga naman ang mga homeowner ng QC nang paboran ng isang QC Judge ang pag-angkin ng isang Wilfredo Torres ng karapatan sa lupang tinitirikan ng kanilang mga bahay samantalang ayon sa kanila ay iligal ang hawak na dokumento ni Torres na nagsasabi na siya ang may-ari ng lupa.

Ang laking iskandalo ang ginawa ng pambubulabog ni Torres, akalain mong 24 na ektarya ng lupa sa QC ang inaangkin niya kung saan libong bahay ang nakatayo kabilang ang ilang sikat na paaralan at mga establisimyento sa lungsod.

Dahil sa iskandalo ay nakalkal ang background ni Wilfredo Torres.

Mismong si Vice President Jejomar Binay raw ang nagsabi na itong si Torres ay “notorious” o sikat bilang isang land-grabber, miyembro ng sindikato ng organized squatting at laging nasasangkot sa mga iligal na aktibidad na may kinalaman sa lupa at pabahay.

Napakarami raw niyang kaso hindi lang sa QC kundi kung saan-saang parte ng bansa, na-convict na siya sa kasong estafa at nahatulan na ng pagkabilanggo, nakulong pero nakakuha ng “pardon” sa panahon ni Pangulong Fidel Ramos.

Ngayon naman ay nakakuha pa siya ng kakampi sa QC Court, branch 224, na pumapabor pa sa isa na namang pagtatangka niya to “landgrab.”

Paanong nakakuha si Torres ng suporta ng korte gayong kwestiyonable ang kanyang mga dokumento?

Para sa akin ay dapat sumagot at managot ang lahat ng institusyon ng gobyerno na nasa likod ng pagtatagumpay ni Torres sa kanyang mga iligal na gawain.

Sana ang kalabasan ng ka-song ito ay makapagpapabalik sa kumpiyansa ng mga tao sa korte at sa ligalidad ng isang malinis at maayos na kontrata sa lupa na hawak ng ating mga homeowner.

Subaybayan po natin ang kasong ito. Sama-sama nating tutukan para matapos na at hindi na maulit ang anomang iligalidad na tulad nito.

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply