Marian aswang sa career ni Dingdong Dantes!

DAHIL inaswang at binwisit na ng lukaret na si Marian Rivera ang pagtatambal sana nina Dingdong Dantes at Heart Evangelista, kay Kris Aquino na tatambal ang under de saya na boyfriend ng Kabitenya.

Nagsimula nang magsyuting sina Kris at Dingdong ng pelikulang “Segunda Mano.” Di pa namin alam kung kanino patungkol ang titulo ng pelikula. Pero kung ang talagang ibig sabihin ng titulo ay di na sexual virgin, tiyak na maraming magsasabing pareho na lang naman na segunda mano na sa tunay na buhay sina Kris at Dingdong.

Star Cinema siguro ang producer ng pelikula. Ganu’n ang suspetsa namin dahil mga taga-Star Cinema ang nagtu-tweet nung Lunes (Sept. 5) na first day shooting daw nina Dingdong at Marian ng Segunda Mano that day.

Idinadasal nga pala ng mga inis at galit kay Marian na pagselosan at awayin n’ya si Kris–para matapos na ang career n’ya!

Siguradong di siya uurungan ni Kris. Baka it’s beyond Kris na makipagsabunutan kay Marian, but it wouldn’t be beyond her na magdemanda at mag-complain formally kapag dinuru-duro siya ng isang babaing baka kung saan lang naman nagmula. (Anong klaseng angkan nga ba ang pinagmulan ni Marian? Mga nagtatrabaho kaya sa bar?)

Speaking of Twitter, alam nyo bang sa lahat yata ng may Twitter account, si Kris lang ang isa lang ang ipina-follow! Pero almost 700,000 na ang followers n’ya–at isa kami roon (bagama’t for two weeks na yata siyang di nagtu-tweet. Di namin alam kung allowed ang ibang tao na i-announce ang Twitter ID ng iba, so di namin ia-announce ang kay Kris. It’s very likely though na inia-announce n’ya yon sa morning show n’yang Kris TV sa ABS-CBN, kaya watch n’yo show n’ya kung gusto n’yo siyang i-follow sa Twitter.

***

Going back to Marian, naaswang na yata talaga nito ang career ni Heart Evangelista. Limang buwan na raw na walang project si Heart mula nung “Temptation Island.” Yon ang isa sa mga pahayag n’ya sa isang pocket press conference na ipinatawag n’ya kamakailan kung saan lima lang ang kinumbida, at isa ru’n ay isang katoto sa panulat na malapit sa amin.

Pero kahit na limang buwan na siyang walang project, di naman naghihikahos ang aktres na mula sa angkan ng mga restaurateur na Ongpauco. Habang wala siyang project ay magliliwaliw muna siya sa ibang bansa, pahayag n’ya sa kanyang munting presscon. Pero di nabanggit ng katoto namin kung saan magbabakasyon si Heart at kung kasama nito sa pagliliwaliw ang Japanese-Brazilian boyfriend n’yang si Daniel Matsunaga.

Masayang-masaya na kaya si Marian ngayon dahil naaswang na n’ya ang career ni Heart?

Pero di po aswang ang papel ni Marian sa supposedly ay well-rating na “Amaya” sa GMA 7. (Napanood namin last night ito at kokonti ang ad placements ng babaeng okray. -Ed) Isa po siyang katutubong alipin sa isang di-mawaring tribo sa bansa bago dumating ang mga Kastila. May mga nagsa-suggest po na gawin na lang daw magandang aswang ang papel ni Marian para madagdagan ang distinctions n’ya. Bukod sa Ang Gererang Kabitenya, pwede na rin siyang maging Ang Pinkamagandang Aswang ng GMA Network (Korek! Hakhakhak! – Ed).

***
Samantala, kami nga pala ay pa-tweet-tweet na rin ngayon. You may follow us: @dannyvibas. Nasa Facebook din kami: danny.vibas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply