Maricel Soriano balik-showbiz!

NAGING maganda rin para kay Maricel Soriano ang kanyang pananahimik since ma-involve siya sa isyung hindi kagandahan para sa kanyang imahe.

Ngayon ay nakikipag-communicate na raw muli itong si Maria sa ilang mga nakatampuhang kaibigan. Ang latest, we heard matagal na silang okey ng kanyang manager-friend na si Ma’am Malou Choa-Fagar kaya malamang baka matuloy na rin ang mga nakabinbing projects para sa mahusay na actress at kaibigang si Councilor Roderick Paulate sa APT Entertainment.

Si Mother Lily Monteverde naman ay interesado rin daw sa Diamond Star at kung magkakasundo sila ng actress at Ma’am Malou ay makakasama ito sa pang filmfest entry ng Regal Films na “Yesterday, Today and Tomorow.” Well, sana magpush-through nga ito para naman maging visible na uli si Maricel sa showbiz.

Remember, itinuturing na bankable star ang actress at para wala pa yatang flop movie ito. Tiyak kapag nag-comeback na ang aktres magiging interesado rin sa kanya ang Star Cinema at Viva kung saan lahat ng ginawa nitong movie sa mga nabanggit na movie outfit ay pawang tumabo sa takilya.

Nandirito lang pala sa Pinas si Maria at di totoong nasa abroad ito. Well, good luck gyud Taray Queen!

***

Bela Padilla magiging third party sa movie nina Rhian Ramos and Aljur Abrenica

UY1 KAYA naman pala pabolosa ang mga gowns na sinusuot ni Bela Padilla sa panghapong drama series nila sa GMA-7 ni Jackie Rice, lalo na ang ginamit na bridal gown eh, mahigit P100,000 pala ito at gawa ng mahusay na fashion designer na si Nono Palmos na siyang gumawa rin ng national custome na irarampa ng batang aktres sa darating na Asian Supermodel na gaganapin sa bansang China.

As we heard, malakas raw ang laban ng newcomer actress dahil halos lahat pabor sa kanya, posibleng maiuwi nito ang title.

Last Thursday pala ay halos sabay na dumating sina Bela at Sam Pinto para suportahan ang grand opening ng bagong resto ng manager nilang si Ms. Claire dela Fuente na Asian Noddle Co. by Chef Off na located sa Aseana Powerstation Macapagal, Ave. Pasay City. Pinagkaguluhan sila ng mga fans at media roon.

By the way, aside sa kanyang regular soap na “Sisid” ay nakatakdang gumawa ng movie si Bela with Rhian Ramos and Aljur Abrenica under GMA Films kung saan ang magiging role niya bale rito ay third party sa pag-iibigan nina Rhian at Aljur.

Say pa ni Ms. Claire, may offer rin daw ang Viva sa alaga niyang ito na paganda nang paganda at lalong sumi-sexy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply