Maricel Soriano kikinang sobra sa pagbabalik say ng kanyang ‘BF’ na si James Cooper

SOBRANG naging kontrobersyal si Anthony Solis sa  kolum nya rito sa Remate dahil sa kanegahang item niya kay Gov. Vilma Santos. Ang root cause ay ang hindi pagtanggap diumano ni Gov. Vi sa project proposal ni Madame Evelyn Alvaran, Presidente at CEO ng Hair Asia, ang nag-iisang longest-running magazine on hair and makeup, etc. ng bansa.

Patungkol ito sa livelihood program caravan seminar ni Alvaran kung saan tuturuan ng team of beauty experts ang mga gustong matutong maggupit at mag-makeup provided i-shoulder ang minimal expenses nito ng local government.

Pinalabas ni Anthony na sobrang kuripot si Gov. Vi kahit ang nasabing proposal ay  para sa mga kababaihan sa Batangas dahil ayaw nilang magpapakain pa sa mga participant sa nasabing seminar.  Sinagot ito ni Gov. Vi sa Showbiz News Ngayon ng King of Talk na si Boy Abunda ng, “Pumunta kayo sa Batangas papakainin ko kayo…”

Depensa naman ng sikat at pamosong makeover artist na si James Cooper na isa sa mga hurado sa project ni Alvaran ay imposibleng ganun ang maging reaction ni Gov. Vi saying, “Hindi ganun si Ate Vi. I have participated in some of her projects at siya mismo ay bumubunot from her pocket kapag nakita niya na may na-short of cash. “Baka di nakaabot ang proposal sa kanya at posibleng staff lang niya ang umaksyon  kaya nagkaganun.”

Coming from James Cooper, more likely totoo ito. Si James pala to recall ay the first Filipino gay impersonator who traveled through much of the entertainment capitals of the world up to Las Vegas as Shirley Bassey and/or Diana Ross in the touring company of the iconic singer-actress na si Cher kung saan siya rin ang makeup artist nito for the longest time sampu ng mga sikat na celebrity na inaayusan niya sa Beverly Hills, California.

When asked about how his BF (best friend), the Diamond Star Maricel Soriano, is faring nowadays, he intimated: “Maricel I think is on some sort of a self-imposed hiatus. Kailangan din kasi ng mga artista na mag-re-energize to come out fresh from the experience like the Superstar Nora Aunor na fresh as fresh can be siya ngayon to tackle tougher roles and all.”

Ganun kabongga ang mga sumasama na hurado ng caravan project ni Madame Alvaran tulad ni James Cooper, etc. Ito actually ay hairshow with livelihood component na pinamagatang Individuality Voltage featuring Matrix Got Talent Competition on hairdressing and makeup at dalawa nga nito ay inisponsoran nina Cong. Lani Mercado para sa kanyang mga constituents sa Marilao, Bulacan last Sept. 5 at Andrea Bautista Ynares para sa Antipolo, Rizal ngayong Sept. 12.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply