Mariel may hinanakit kay Toni

MAY nasulat sa mga babasahin na ang dahilan daw ng pag-alis ni Mariel Rodriguez sa ABS-CBN ay ang hindi pagkakasali sa kanya bilang host ng bagong season ng PBB na kung saan tanging sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales lang umano ang na-retain.Originally kasi ay talagang trio sila dyan.

Subalit ngayon ay lumalabas na hindi na pala siya kasali sa magbubukas na namang Pinoy Big Brother.

“Sa totoo lang po, ako I have no problem with the other hosts. But Toni doesn’t like me. It’s very obvious that she can’t stand me, sad to say.” ‘yan ang sabi ni Mariel-maikli pero makahulugan.

Hindi raw ipinaglaban ni Toni si Mariel para hindi matanggal bilang isa sa original host ng naturang reality show.

Gayunman, may ibang istorya tayong natisod at siguro dapat magpakatotoo rito ang lumayas na host.

Matagal na raw talaga siyang ‘inaawitan’ ni Willie Revillame na lumipat sa TV5 at maging co-host nito. Hindi lamang nito pinapansin dahil nagpapaka-loyal pa kuno siya sa ABS-CBN.

Pero nang lakihan daw ang offer at madagdagan ang show na inaalok sa kanyang ng Kapatid network, doon na kumislap ang mga mata nito at sinunggaban ang offer. Nag-counter offer naman daw ang Kapamilya ngunit doon pa rin pumanig sa Singko ang alaga ni Kuya Boy (Abunda).

May konek pa rin kay Ms. Gonzaga ang desisyon ni Ms. Rodriguez sa kanyang pag-alsa balutan sa ABS dahil ang una raw ang nag-pull ng trigger para lumayas na nang tuluyan ang huli, at ‘yun nga raw hindi magandang pakikitungo ng una ang dahilan.

Bueno, ang pangako nga ng TV5 ay magiging co-host siya sa “Wil Time, Bigtime” at isang solo hosting stint na bagong reality-TV show ng nabanggit na istasyon.

Well, sana magtagumpay si Mariel sa bago niyang tahanan. Sa aminin man niya sa hindi, iba pa rin ang dating kapag nasa Kapamilya Network siya dahil kahit saang lupalop siya ng mundo magpunta ay nakikilala siya. Remember, ‘yan ang pinakadahilan ni Sarah Geronimo kaya siya nanatili sa istasyon na nagbigay sa kanya ng kasikatan.

***

Binuhay na rin ang career ni John Rendez

BALIK na naman pala sa pagkanta si John Rendez. Muli siyang gagawa ng album na kagaya ng dati ay puro rap songs ito. Meaning, maliban sa pag-aasikaso ni Nora Aunor sa kanyang career, may tututukan pa siyang isang bagay at ito ay ang singing career ni John.

Dagdag pasanin ba ito o masaya lang si Nora sa patulong na ginagawa niya kay John?

Ang huli pala simula nang dumating ito mula sa US of A ay sa Excelsior Condominium sa Eastwood na siya tumira-ang condo na tinitirhan din ni Ate Guy.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply