Mas mabigat na parusa sa magbebenta ng botcha

MAS pinabibigat pa ni Sen. Francis Pangilinan ang Meat Inspection Code of the Philippines.

Ito ay upang matuldukan na ang talamak na bentahan ng double-dead na karne sa palengke o “botcha.”

Sa Senate Bill No. 2612, isinusulong ni Pangilinan, nais nitong patawan ng parusang pagkakakulong ng mula anim hanggang 12 taon ang sinumang lalabag sa panukalang batas.

Pagmumultahin din ang sinumang lumabag mula sa P50,000 hanggang P200,000 mula sa dating P1,000 hanggang P5,000 na paglabag.

Kaugnay nito, nagbabala si DOH-National Center for Disease Prevention and Control Dir. Lyndon Lee Suy sa publiko sa epekto ng pagkain ng karneng botcha kung saan maaari aniyang makakuha ng iba’t ibang sakit ang taong kakain nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply