Masusubukan si Gen. Nick Bartolome

TULAD ng inaasahan, si Deputy Director Nicanor ‘Nick’ Bartolome ang itinalagang PNP chief  ni  Pangulong Noynoy Aquino.

Kaakibat, siyempre ng karangalang ito na natanggap ni Gen. Bartolome ay ang ‘di matatawarang sipag para maisakatuparan ang mga tagubilin ni PNoy.

Malaking pagsubok sa police general mula sa Tarlac na magkaroon ng resulta ang mga binitawang salita ng Pangulong Aquino tungkol sa bagong PNP boss.

Maraming problema ang PNP, ngunit dalawa lang ang itinagubilin ng Pangulo na pagtuunan ng pansin – ang carnapping at kidnapping.

Ang dalawang problemang ito ang nabanggit ni PNoy dahil siguro sa dami ng insidente ng carjacking at kidnapping, ‘di lamang sa Metro Manila kundi sa maraming lugar sa bansa.

Ang kaliwa’t kanang carjacking incidents ang nagpapasakit ng ulo ng mga regional, district at police commanders, lalo na sa Quezon City Police District.

Ang carnapping ngayon ay sobra nang naging ‘bold’, dahil ‘di lamang sasakyan ang kinukuha ng carnappers, pinapatay rin nila ang mga driver ng mga sasakyang kanilang kina-carjack.

‘Di lang carjacking at kidnapping ang problema ng Pambansang Kapulisan. Nariyan ang terorismo sa Mindanao, tumataas na insidente ng patayan, holdapan, nakawan at iba’t iba pang uri ng krimen.

Sa laki ng tiwala na ibinigay sa kanya ni PNoy, masusubukan si Gen. Bartolome. Kailangan siyang mag-deliver.

QC KAGAWAD KINONDENA

Kinondena ng ilang lider-barangay sa lungsod – Quezon ang ibinulgar nating kalokohan ng isang Kag. Amang Santos ng Baesa, QC.

Anila, ‘di dapat sinusuportahan ng mga taga-Baesa si Santos dahil sa patuloy nitong pagpapasugal sa kanilang lugar sa Mendez St.

Ang nasabing kagawad ay isinumbong sa Chokepoint na siyang nasa likod ng operasyon ng video karera sa kanilang lugar. Bukod sa VK, ito’y nagmamantine rin ng ilang sakla o joint, ayon sa mga residente na nagagalit sa kanyang pasugal.

Dapat ay kumilos si Mayor Herbert Bautista. Pagsabihan niya si kagawad na ang kanyang ginagawa ay labag sa batas. Ngayon, kung ayaw pa ring huminto, aba’y madali ang solusyon niyan.
Hulihin lang ang kanyang mga vk machine at sakla den.

Paging newly-appointed PNP chief Dir. Gen. Nick Bartolome.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply