Mataas na renta sa malls sisiyasatin

IIMBESTIGAHAN ng House committee on trade and industry ang reklamo hinggil sa mataas na singil sa renta ng pwesto sa mga shopping malls, sa bisa ng House Resolution No. 1542 na inihain ni Rep. Magtanggol Gunigundo (2nd District, Valenzuela City) at Rep Jeci Lapus (3rd District, Tarlec).

Ayon kay Gunigundo, walang magawa ang mga restaurant, boutiques, drug stores na umuupa kundi magtaas ng presyo ng kanilang produkto gaya ng damit, sapatos, hand-bag, pantalon, polo shirts, pagkain at mga inumin dahil hindi regulated ang presyo ng paupa sa mga mall.

“Halos lahat ng Filipino ay nagpupunta sa mga malls tuwing week-end kasama ang pamilya. Pagkatapos mag-shopping, siguradong kakain sa restaurant. Tayo ang biktima sa mataas na presyo ng pagkain, bottled-water, soft drinks etc, dahil mataas ang kanilang upa ng pwesto sa mall,” paliwanag ni Gunigundo.

Sinabi pa ni Gunigundo, dahil sa mataas ang upa ng mga food at retail outlet sa malls ay tinataasan na lamang nila ang presyo ng kanilang produkto o kaya naman ay babawasan ang serving ng pagkain.

Sampung porsiyento ang itinataas sa renta taun-taon. “Wala silang magawa kundi patulan ito para lamang mapanatili ang kanilang negosyo.” himutok pa ng mambabatas.

WIka naman ni Rep. Jeci Lapus, vice chairman ng House committee on accounts, bukod sa renta kailangan din magbayad ang mga umuupa ng 15 porisyento ng kanyang gross sales.

“Ang percentage rate ay binabayaran kung ang 15 percent ng gross sales ng lessee ay mas mataas sa discounted rent na nakasaad sa lease agreement,” sabi ni Lapus.

Bukod sa 10 porsiyentong taunang dagdag sa upa at bayad sa percentage rent, sinabi pa ni Lapus na nagbabayad din ang umuupa ng maintenance, air-conditioning, common use service areas (CUSA), telepono, elektrisidad, tubig at rental association dues.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply