Matinong mayor ng Pasay at mga nagkalat na iligal

UUBUSIN ng Pasay City Police ang lahat ng iligal sa tinaguriang Sin City ng Metro Manila.

Yan ang malutong na salitang binitiwan ni Pasay COP Napoleon Cuaton.

Nabubuwisit na kasi si Cuaton sa reklamong natatanggap na bawat iligal na kanilang hinuhuli ay pinabubuksan naman ng ilang gagong pulitiko riyan sa Pasay.

PULITIKO NG NAVOTAS

Hindi lang pulitiko ng Pasay ang nakikialam sa mga pasugalan kundi pati raw isang pulitiko ng Navotas ay nakikisawsaw  na rin sa mga iligal.

NAVOTAS?

Kilala raw ito sa tawag na Gary Cruz na kung ma-kaporma ay siya ang masusunod sa palakad sa buong lungsod ng Pasay.

Yun bang === palakad sa mga pasugalan.

Mayor Antonio Calixto, amo mo ba o bata mo ito?

TABLA LAHAT

Walang “arbor-arbor”, yan ang polisiya ngayon ni Col. Cuaton.

“Kahit anak pa ng Diyos ang tumawag tutuluyan pa rin namin.”

Sa madaling salita ay tabla ang lahat ng pulitiko na walang alam kundi  ang umarbor sa mga nahuhuling iligalista.

HOLD-UP SA HAPON

Inuna na ni Col. Cuaton ang mga masasamang loob sa Pasay City.

Noong Aug. 8 , 2011 isang Hapon na si Masataka Motooka ang nabiktima ng holdap sa kahabaan ng Roxas Blvd.
Agad na na-solve ang kaso kung saan isang Ramon Villareal ang nakasuhan.

NUMBER 1 ANG PASAY POLICE

Number 1 sa kampanya laban sa krimen ang Pasay City Police sa Southern Police District.

Pero siguro naman ay pu-wede nang magyabang si Col. Cuaton dahil number 1 din sila sa buong Metro Manila.
Di gaya ni Gen. Rongavilla na paretiro na ay number 1 pa rin ang Maynila.

Number 1 sa….. TANGGAPan.

Yun bang === kapag may pangangailangan ay pasyalan lamang si general sa kanyang……..PUNONG TANGGAPAN.

ILIGAL NA TERMINAL

Number one sa iligal na terminal ang Pasay kaya kailangan lang na aksiyunan na ito ng kapulisan.
Bobby Ricohermoso, baka naman puwede mong bulungan ang GF mo na si Virgie Torres.

As in === Good Friend.

Dahil sumisigaw na ang LTO Press Corps pero muk-hang hindi pa rin n’ya naririnig.

Baka sa bulong mo, eh, gumalaw ng kaunti ang tutule at umaksiyon naman sa hinaing ng taumbayan.

Isang “kamote” raw kasi na bata ni Calixto ang patong dito kaya hindi nagagalaw ang iligal na terminal.

Umaabot daw sa P1.5 Million ang tongpats na tinatanggap ni Kamote sa mga iligal na terminal na ito sa Pasay.

Ano kaya ang masasabi ni Traffic and Parking Management Office Chief Moti Arceo sa nangyayaring ito?

Meron din bang parating  si Kamote sa kanyang TANGGAPan?

TURUMPO NG PASAY

Sino naman sina Rolly San Miguel at Alpha na walang sawang ikot nang ikot sa buong Pasay?

Aba’y para na kayong turumpo.

Hindi na nga raw natutulog itong si Rolly sa kaiikot.
Bro, bumabatak ka ba?

MATINO SI CALIXTO

Matinong tao talaga itong si Mayor Calixto dahil makamahirap ang kanyang damdamin.

Mayaman na siya ngayon pero mukhang gusto nyang maghirap kaya madalas silang makita na mag-asawa sa Resort World.

Yun bang Casino d’yan sa tapat ng NAIA terminal 3.
Hindi po sinasabi ng ULTIMATUM na nagsusugal sila, pero ang hindi natin alam ay kung hindi nga sila nagsusugal… nang KAUNTI!

NENANG PINDOT NG PASAY
Si esmi naman na kung tawagin ay Nenang Pindot.
Dahil ang hilig daw nito ay pumindot ng pumindot.
Tanong nga ni Paul Gutierrez…“sa kanyang cellphone ba ?”

Hindi! Sa slot machine daw super suki si Nenang Pindot.

INATAKE SA P2M

Totoo ba na kaya inatake si Mayor Calixto noong eleksiyon ay dahil natalo ito sa Casino ng P2M?
Hindi po naniniwala ang ULTIMATUM sa tsismis na ito dahil barya lang sa kanya ang P2M.

BOY TSUBIBO
Alyas Boy Tsubibo raw ang itawag n’yo kay Mayor Calixto. Dahil pati tao raw sa sarili n’yang bahay ay kaya n’yang paikutin.

Mrs. Calixto, pumapasyal po ba kayo sa Landmark?
Magpasama po kayo kay Boyet del Rosario, may makikilala kayong mahilig sumakay sa tsubibo.

STATION 2 NG QCPD

Ang kukulit daw ng mga pulis sa QCPD Station 2, sabi ng mga GRO r’yan sa mga bubwit na klab sa Kyusi.
Gabi-gabi kung mambulabog ang mga tulisan, este pulisan d’yan sa QCPD Station 2.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply