Matuwid na daan waepek sa buhay-buhay ni Juan

PAANO kaya kung lumabas sa Malakanyang ang mga onorabol diyan at makihalubilo kay Juan sa mga barangay?

Ito’y para maramdaman nila ang tunay na buhay ni Juan sa mga panahong ito. Para ma-feel nila ang tunay na kalagayan ni Juan, magtulak sila ng kariton na may paninda at saka sila magtinda.

‘Di bale nang hindi sila mabilhan. Ang importante ay marinig nila ang mga usapan sa mga kanto-kanto ukol sa matuwid na daan.

Para hindi sila mabisto, magdisgays sila. Kasi kapag lalantad sila, baka batuhin sila ng kamatis.

oOo

Unang maririnig nila sa usapan ay yung waepek ang ipinagmamalaking matuwid na daan ni PNoy.

Oo nga at panay ang pagsasampa nito ng mga kaso laban kina Gloripie at sa mga smuggler at tax evader at ito umano ang matuwid na daan.

Pero nakalilikha ba ito ng trabaho para sa milyon-milyong istambay? Napipigil ba nito ang kontraktuwalisasyon na sumpa sa mil-yon-milyong obrero?

Napipigil ba nito ang sobrang pagtaas ng presyong petrolyo at mga bilihin? Napipigil ba nito ang paglayas ni Juan para maging overseas Filipino worker na lang kaysa maistambay at makontraktuwal?

Napipigil ba nito ang pagpapalayas ng National Housing Authority at mga debeloper sa mga dumaraming hindi nakababayad ng mga hulugang bahay? Napipigil ba nito  ang pagkalam ng sikmura ng mga istambay, kontraktuwal, tsuper ng mga traysikel at dyipni at maging  ang mga magsasaka at mangingisda?

oOo

Ang interes ni Juan ay iba sa interes ng mga malalaking buwaya na gustong ipakulong ang isa’t isa dahil sa kanilang korapsyon.

Ano ba ang matuwid na daan sa masaklap na kalagayan ni Juan?

Limos ni Dinky Soliman, yun ba?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply