Mauukit sa kasaysayan ang bagyong si ‘Pedring’

NOONG araw ng Martes, Setyembre 27, huminto ang regular na buhay ng mga taga-Luzon, kabilang na ang mga residente ng Metro Manila.

Biglang walang pasok ang mga estudyante sa eskuwelahan, ganundin ang mga kawani sa mga pampubliko at pribadong opisina.

Sina tatay at nanay, kuya at ate – lumiban muna sa kani-kanilang mga trabaho at doon  sa tahanan, nagmatyag sa maaaring mangyari.

Dahil sa araw na ito, anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ay darating at dadaluyong si ‘Pedring’ na may bugsong malakas na hangin at ulan.

Tunay nga ang pahayag ng PAGASA dahil matapos lang ang kalahating oras, dumaluyong ang ‘di maipaliwanag na tubig-baha.

Sa isang iglap, nagmistulang dagat ang bukirin sa mga probinsya, ang Metro Manila, animo’y malawak na palaisdaan.

Maraming dumating at umalis na bagyo sa nakaraang ilang dekada, ngunit wala na yatang tatalo sa bagyong ‘Pedring’.

Ang ‘Ondoy’ na naganap noong Setyembre 26, 2009 ang sinasabing pinakamalakas na bagyo na bumisita sa bansa.

Sumungkit ito ng maraming buhay at nag-iwan ng kasaysayan na magpapaalala ng paulit-ulit sa papaalis at darating na henerasyon.

Kung ano ang nasaksihan natin kay bagyong  Ondoy, muli nating nakita sa kaaalis lamang na bagyong ‘Pedring’.

Tulad ni ‘Ondoy’, mauukit sa kasaysayan ang pagbisita ni ‘Pedring’ sa atin.

Batid natin na marami pang darating na “Ondoy’ at ‘Pedring. Kung kailan, panahon lamang ang makasasagot.

Walang tayong magagawa. Kailangan lang, tayo ay dapat maging handa. At laging lubos na magtutulungan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply