Maximum tolerance inilatag ng PNP sa Palea

TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police na ibibigay nila ang maximum tolerance para sa mga miyembro ng Philippine Airlines Employee Association (Palea) na magsasagawa ng kilos protesta ngayon sa Domestic Road sa Pasay City.

Kaungay nito, anim na 6×6 truck ang nakaantabay sa Inflight Center, Terminal 2 MIA Road para sa mga raliyista na magsisimula ngayong alas-3:00 ng hapon.

Sa panayam ng Remate Online sinabi ni Southern Police District (SPD) Deputy Director Chief Supt. Federico Castro, na bibigyan nila ng hanggang alas-7:00 ng gabi ang Palea upang magpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa ipinatutupad na outsourcing ng Philippine Airlines (PAL).

Sinabi pa ni Castro na ipagagamit nila ang kabilang linya ng MIA Road at gagawin nilang two-way ang kabilang linya upang maayos na maisagawa ang rally sa naturang lugar.

Gayunman, binalaan ni Castro ang mga raliyista na hindi sila mangingiming arestuhin ang sinumang lalabag sa mga napagkasunduan sa panig ng Palea at PNP.

Ani Castro, hindi rin hahayaan ng PNP na makapasok ang ibang grupo na may hangaring guluhin ang rally.

Samantala, mariing tinutulan naman ni Ambrocio “Bong” Palad, secretary-general ng Palea, ang panghihimasok ng mga idideploy na tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Palad, nangangamba sila na bubuwagin ng MMDA ang kanilang picket line.

Dahil dito tiniyak ni Castro na bibigyan nila ng maximum tolerance ang mga raliyista ngunit tiyakin lamang na susunod sa mga napagkasunduan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply