May eleksyon man o wala, ang bayan ang natatalo

HINDI naman dapat magmadali – pero kailangan ang maagang paghahanda.

Ang comelec – commission on elections – ay dapat nang kumilos para sa 2013 congressional at local elections.

Ang Kongreso ay nagpatibay ng 8 billion pesos na alokasyon para sa pool automation sa 2013.

Ito ay halos 80 percent ng 10 billion 2012 budget ng commission on elections.

Ito ay gagamitin sa pagbili o pagrenta ng computer machines sa pagboto at pagbilang ng mga boto sa balota.

Hindi na bago ang sistema. ginamit na ito noong 2010 presidential elections. Napatunayan na epektibo at madaling malaman ang resulta.

Inaalam ngayon kung ang mga PCOS – precinct count optical scan ng Smartmatic, ay puwede pang gamitin para makatipid.

Ang gobyerno ay nagbayad na sa Smartmatic ng 6 na bilyong piso at may option na ang PCOS machines ay bilhin sa discounted rate na 1.8 billion pesos.

Ang PCOS ay hindi bibilhin ng Comelec dahil lubhang mabilis ang pagbabago sa teknolohiya. Maaaring rentahan na lamang ang mga PCOS machine para sa 2013 congressional at local elections.

Ang congressmen at local official ay hindi na halos pumapasok sa kanilang mga tanggapan.

Pinapasok nila ang pinakaliblib na lugar ng kanilang nasasakupan upang hingin ang suporta ng mga botante.

At katulad ng inaasahan, pera-pera ang labanan.  Alam ng mga kandidato na mahirap mandaya sa poll automation. Kaya ngayon pa lamang ay nagtatanim na sila ng pera at ang aanihin nito ay tiyak na tagumpay ng kandidatura.

Ito ang kultura ng ating pulitika. Kung wala kang pera – kalimutan muna ang kumandidato – hindi pinag-uusapan ang plataporma-de-gobyerno; ang kakayahan at integridad sa ngalan ng paglilingkod – pera ang gusto ng mga botante at pera ang ibinibigay ng mga kandidato.

Ang perang ibinigay ng kandidato ay tiyak na babawiin mula sa pera ng taumbayan.

Hindi na tayo natuto – may eleksiyon man o wala – lagi na lamang talo ang bayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply