May problema sa pag-iisip hinalay ng technician

SWAK sa kulungan ang isang cell-phone technician matapos nitong dalawang ulit na pagsamantalahan ang isang dalaga na may kapansanan sa pag-iisip sa loob ng kanyang (suspek) bahay sa Grace Park Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 Anti rape law in relation of RA 7610 si Sonny Ungos y Almasan, 32, may asawa, cell-phone technician.

Sa pahayag ng biktima na itinago sa pangalang Marta, 25, dalaga, may problema sa pag-iisip ng nasabing lugar, na dalawang beses siyang pinagsamantalahan ni Sonny habang siya ay nagpapagawa ng cell-phone.

Ayon sa imbestigasyon ni P01 Annabelle Galle ng Women and Children Protection Desk (WCPD), naganap ang unang panghahalay nitong Setyembre 5, ganap na ala-una ng hapon, at muling nasundan kinaumagahan (setyembre 6) sa loob ng bahay ni Sonny.

Batay sa ulat, nagsadya ang biktima sa bahay ng suspek para ipakumpuni nito ang kanyang cell-phone pero sa halip na tugunan ay ipinasok ni Sonny si Marta sa loob ng bahay at isinagawa ang makamundong pagnanasa.

Kinabukasan ay muling hinalay ng suspek ang biktima.

Dahil dito ay nagpasyagng magsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang at agad na nagsadya sila sa himpilan ng pulisya para ireklamo ang suspek.

Sa isinagawang follow-up operation nahuli ng mga awtoridad si Sonny na kasalukuyang nagdudusa na sa kulungan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply