Mayor Calixto, mabubulok sa kulungan sa ‘anomalya’

MALAMANG mabulok sa kulong ng habambuhay si Pasay City Mayor Antonio Calixto kung mapatunayan na may bahid ng “anomalya” ang ginagawang privatization ng Pasay Public Market  at  mall sa nasabing siyudad.

Pinabubusisi na rin ng mga taga-Pasay si Mayor Calixto kung nagkaroon ba ng resolution sa Sangguniang Panglunsod para bigyan siya ng kapangyarihan na i-privatize ang Pasay Public Market at mall.

Aba’y ang balita ko, dalawang Fil-Chinese na kinilala lang sa pangalang “Tony Ching” ang sinasabing nagbigay raw ng P5M sa tumata-yong ‘administrador’ na ma-lapit ding  kamag-anak ni Calixto.

Ito palang si Tony Ching ay kamag-anak ng business magnate na si Emilio Ching na dating financier ng namayapang si Mayor Pablo Cuneta.

Kung totoo man na nagbigay ng P5M si Ching sa sinasabing malapit na kamag-anak ni Calixto na tumatayong ‘administrador’ sa nasabing ma-anomalyang transaksyon,  dapat ay kumilos dito ang Department of Interior and Local Goverment (DILG) at kuwestiyunin kung saan at kaninong bulsa na napunta ang P5M.

Medyo malaki-laking halaga rin ang P5M na ini-lobby ng grupo ni Ching para lamang sa pagsasa-privatization ng public market at  mall.

Sa iba pang nahalukay nating impormasyon, si Ching na ang kokontrata at magsusuplay ng lahat ng kalakal sa palengke at mall kapalit ng 40% komisyon para sa isang tao na may mataas na tungkulin sa Pasay City hall.

E, sino ba naman sa inaakala ninyong may mataas na posisyon diyan sa city hall ng Pasay City, e ‘di ba si Mayor Calixto lang?

Hindi ko sinasabing sa bulsa ni Mayor Calixto napunta ang P5M pero ang alam ko siya lang ang may pinakamataas na posisyon sa city hall. ITUTULOY….

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply