Media kinilala ng CHR sa pagsugpo sa krimen

KINILALA ng Commission on Human Rights ang ambag ng media sa pagsugpo ng krimen at anomalya sa bansa.

Ayon kay CHR Chairman Loretta Ann Rosales – dahil sa walang takot na paglalantad ng media sa lahat ng kabulukan at katiwalian sa pamahalaan ay nababawasan ang pagkalat pa ng krimen.

Samantala, dapat din aniyang pagbutihin ng PNP at AFP ang kanilang internal reforms para matigil na ang mga maling gawain na nangyayari sa kanilang hanay.

Tiniyak naman ni Rosales na inaayos din nila ang kanilang comprehensive monitoring sa lahat ng problema sa paglabag sa mga kaparatang pantao.

Kabilang na dito ang Civil Rights, Political Rights, Economic Rights, Social Rights at iba pa.

Media kinilala ng CHR sa pagsugpo sa krimen
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply