Melindo, Viloria fight nakaamba

POSIBLENG magkaharap sina undefeated Filipino Milan Melindo (25-0, 9KOs) at Filipino Brian “The Hawaiian Punch” Viloria  sa hinaharap dahil pareho silang nasa flyweight division.

Sinasabi kasing handa na sa mas malaking laban si Melindo nang gibain nito si Mexican Francisco “Chiquita” Rosas sa Waterfront Hotel & Casino sa Cebu nitong Sabado.

Subalit ilang mga kritiko ang nagsabi na maaaring hindi tumagal si
Melindo kay Viloria dahil mas may karanasan ang huli at malakas ang punching power.

Nasa hanay din ni Melindo sina veterans Pongsaklek Wonjongkam at Edgar Sosa na naghaharai ngayon sa WBC flyweight weight class.

Sina Pongsaklek at Sosa ay maghaharap sa Thailand sa October 28 habang sina WBA Sluggers Mexican Hernan “Tyson” Marquez at Panamian Luis “El Nica” Concepcion ay magsusubukan din para sa  WBA regular title sa Hermosillo, Mexico sa October 29.

Si WBA interim flyweight champ Juan Carlos Raveco ng Argentina naman ay naghahanap pa ng posibleng makakalaban niya habang si IBF flyweight champion at South African Moruti Mthalane ay dedepensa ng kanyang 112 lbs world title laban kay Italian Andrea Sarritzu sa Cagliari, Italy ngayong linggong ito.

Kabilang din sa mga posibleng makakaharap ni Melindo si dating world champion champion hard hitting “El Guerrero Azteca” Giovani Segura ng Guerrero, Mexico.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply