Mensahe ng readers

BIGYAN natin ng daan ating mga reader.

SUGALAN SA PALIGID NI MAYOR ORETA

Text mula sa numerong  09099713758  —  “Gud pm sir. Napakaraming drug addict at sugalan dito sa Bgy. Potrero, Malabon “May sakla, fruit games at video karera na karamihan ay mga bata ang naloloko. “Dito po ito sa Mangustan Road, malapit lang sa bahay ni Kapitana Sheryl Nolasco.
“Meron din po sa University Ave., Doña Juana St., Maligaya St., Duhat Road at sa East Ri-verside.” Mayor Oreta, kilos!

PANAWAGAN SA NAT’L GOVERNMENT

Text message mula kay Pedy Gossi, media liason officer ng munisipalidad ng Calayan Island, Cagayan – “Sa tulong ng media, gustong iparating sa national government ni Mayor Al Ilopis ng Calayan Island, Cagayan na kailangan namin ng tulong dahil sinira lahat ng super-typhoon “Mina” ang aming kabuhayan.

“Konti lang ang budget namin at maliit lang ang tulong na ibinibigay sa amin ng provincial government at hindi ito kasya sa amin. Sana tulungan ninyo kami.”

PALPAK NA DEVELOPER

Ilang gabi na raw na patay-sindi ang kuryente sa buong kabahayan sa Towerville 6B, isang relocation site na matatagpuan sa Bgy. Gayagaya, San Jose del Monte, Bulacan.

Kuryente mula sa palpak na generator lang daw ang pinagmumulan ng kanilang elektrisidad dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila napakakabitan ng linya mula sa Meralco ng Goldenville Realty, ang developer ng naturang relocation site.

Ayon sa texter natin (09086-386260), palagi raw sira ang generator at ang masama pa ay palagi ring lasing umano ang operator nito.

Hindi lang daw kuryente ang ibinibigay na problema sa kanila ng nasabing developer kundi maging ang suplay ng kanilang tubig na tanging pinagkukunan nila ng maiinom.

Ilang bata na raw sa nasabing relocation site ang nagkasakit ng typhoid fever dahil sa suplay nila ng tubig.

Ang dami raw nilang problema sa relocation site gayung nagbabayad naman daw sila ng tama.

Payo ko sa texter, ireklamo ninyo ang developer sa National Housing Authority o kaya ay direktang isumbong ninyo kay Vice President Jojo Binay.

* * * * * * * *

Anomang reklamo, ko-mento o suhestiyon, mag-text o tumawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y mag-email sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply