Merchandiser utas sa pananaksak sa QC

PATAY ang isang lalaki makaraang saksakin ng katrabaho sa EDSA Brgy. Apolonio Samson, Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Haiji Pentinio, 27, merchandiser, ng 21 6th Avenue, Brgy. 49 Zone 5 Grace Park, Caloocan City.

Ang suspek na nakilalang si John Mar Palisoc, 30, ng 376 Mercedes St., Punio Bucaue, Bulacan.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD), naganap ang insidente dakong 6:30 ng gabi sa harapan ng bdo, EDSA Brgy. Apolonio Samson, QC.

Sinabi sa ulat, habang naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at pinagsaksak sa dibdib, tiyan, kaliwang braso at kanang hita.

Matapos ang pananaksak mabilis na tumakas ang suspek at iniwan ang duguang biktima. (With trainees: Gherma Lyn Puntilon and Jonalyn Pelobello)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply