Mga bastos na jail guard kakastiguhin

TAHASANG sinabi ng pamunauan ng Bureau of Jail  Management and Penology (BJMP) na hindi kukunsintihin ang mga opisyal nito na sangkot sa pambabastos sa mga presong babae.

Ayon kay BJMP Director Rosendo Dial, dapat isumbong sa kanyang tanggapan ang mga insidente ng pang-aabuso.

Ani Dial, sasampahan ng kaso ang sinumang opisyal o jail guard na mapapatunayang nambastos ng babaing preso.

Ang nasabing isyu ay naungkat kasunod ng pagbubunyag ni Gabriela Rep.Emmi de Jesus na may mga babaing preso aniya ang ginagawang guest relations officer (GRO) ng mga jail guard kapag nag-iinuman ang mga ito.

Ipinagtanggol ni Dial na maayos ang pagtrato sa mga babaing preso.

Gayundin, aniya, ay hangga’t maaari ay babaing warden ang itinatalaga sa mga female detention facilities.

Umaapela naman si Dial na unawain ng mga bumibisita sa mga kulungan ang mahigpit na security procedure dahil layon nitong gawing ligtas ang kanilang mga pasilidad.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply