Mga batang kriminal

KUNG sino man ang nag-akda ng batas na bawal ikulong ang mga menor de edad hanggang edad disiotso ang siyang dapat managot sa katakot-takot na krimen na nagaganap ngayon sa ating bansa, lalo na sa Metro Manila.

Ito ay isang stupid law na pinasa ng Kongreso at pinirmahan naman ng dating Presidenteng si Gloria Macapagal Arroyo.

Lahat na yata ng krimen, magmula sa pagnanakaw hanggang sa pagpatay ng tao, ay na-i-involve ang mga batang ito. Sila ay ginagamit ng mga sindikato at ginagamit din ng kanilang sariling mga magulang. Marami ring batang sadyang kriminal dahil sa kahirapan at kayabangan, lalo na kung involved ang mga anak mayaman.

Trabaho raw ng local government units (LGUs) at ng Department of Social Welfare ang ikulong ang mga iyan at i-rehabilitate subalit walang facility para sa mga may sala.

Bakit walang facility para sa mga batang nagkakasala? Nagtuturuan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at madalas nilang ikatuwiran na wala silang pondo.

Samakatuwid, kung sila ang tatanungin, ang dapat sisihin ay ang Kongreso. Totoo iyan pero dapat ding sisihin ang Department of Social Welfare and Development at si PNoy.

Wala silang political will, o kahit anong  will man lamang, para puksain ang mga batang kriminal.

Mayroon din tayong batas na bawal ang mamalimos at nagbibigay ng limos sa kalye pero hindi rin ipinatutupad ng DSWD at mismong mga pulis.

Bakit? Dahil wala silang kikitain sa mga batang kriminal at mga pulubing sangkot din naman sa ibang karumal-dumal na gawain nila.

Ang mga batang hamog at ang mga batang bukas kotse ay ni hindi man lang pinapansin ng mga pulis at ng kagawaran ng social welfare maski na ang mga batang ito ay nakababagal sa flow of traffic.

Sa panig ng MMDA, sana ay hindi nila sadyang ginagawa na maging ma-traffic sa Edsa at pangunahing kalsada para makapag-bukas kotse ang mga batang ito. Sana ay hindi involved ang mga traffic enforcer ng MMDA sa sindikatong ito.

Kung hindi pa nalagay sa TV, radyo at diyaryo ang mga batang hamog ay hindi pa aarestuhin ng mga enforcer na ito ang mga menor de edad na patawid-tawid sa ma-traffic na Edsa nang buong laya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply