Mga bisita lumawit ang dila sa gutom: Kongregasyon nabaliw sa haba ng speech ni TV Host

NASA audience ang source natin nu’n nang magsimulang magsalita on stage ang may edad na TV host. Sa simula ay okey ang reception sa tao ng mga pahayag nito. Pero nang mag-isang oras na itong nagsasalita ay balisa na ang mga otaw. Hindi na sila mapakali. Gusto nang sigawan ang host na bumaba na sa entablado.

Kung tutuusin may kwenta naman ang mga sinasabi ng lolo n’yo. Tinalakay niya ang kahirapan ng mga tao, ang maling pamamalakad ng gobyerno, ang pagbabago ng Pilipinas pati na ang mga ugali ng mga Pinoy at higit sa lahat ang kalagayan ng local showbiz, pati nga ‘yung proyekto niya sa Pasig na nilalakaran ng mga artista ay nabanggit din. Hindi rin niya nakaligtaan si Nora Aunor. Ang paglaganap ng mga piniratang pelikula ay hindi rin niya nakalimutan. At ‘yung pupuntahan niyang tao nu’ng gabing iyon ay nasabi rin niya.

Ang problema, anniversary iyon ng isang religious group, at si TV host ay nai-text lang ng isang kaibigan para dumaan sa okasyon. Dahil nandoon na rin siya sa event ay pinagsalita na siya ng emcee. Proud ang lahat sa kanya dahil kilala naman siya sa showbiz.

Iyon nga lamang, shocked ang lahat dahil akala nila ay maghe-hello lang ito  at  at babati sa anibersaryo ng kongregasyon, pero nagkamali sila dahil feeling nito nasa sariling show siya sa telebisyon na kung saan ang tao ay may mga insomia at hindi makatulog. Hahaha!

Hindi na nga makwenta ng lahat kung ilang oras siyang nagtutungayaw sa ibabaw ng entablado dahil hawak-hawak na nila ang kumakalam nilang sikmura na sinabayan pa ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Oks lang kung humaba man ang preaching ng lider dahil iyon naman talaga ang ipinunta nila doon, ang marinig ang mga salita nito tungkol sa Panginoon. Pero ang habaan din ng host ang mga sinasabi niya katumbas ng haba ng oras ng namumuno, wala na sa aral ‘yun. Hehehe!

Kaya ang ending, maga-alas-onse na ng gabi nakapag-dinner ang mga taong naroon sa anibersaryo.

Imagine, lumawit ang dila ng mga relehiyoso’t relehiyosa dahil sa haba ng speech ni TV host na hindi naman sumentro sa Diyos ang topic kundi sa kanyang mga personal na pananaw sa buhay.

Giatay!

Ayaw ko ng walang tulugan, huh!

Hahahahaha!

***

Maganda ang imahe ng modelo, ang produkto expired

WALA kaming masasabi sa modelo ng isang produkto na pangtanggal ng mga peklat. Malinis ang kanyang pagkatao, matinong artista, matalino, mabait sa magulang at lahat maganda sa kanya.

Kaya ang dami niyang commercial na iniindorso, kaliwa’t kanan. Pero itong partikular na produktong sinasabi namin ay parang sinira naman nila ang magandang imahe ng naturang aktres dahil expired ang ilang produktong ibinigay nila sa press. Mabuti na lamang at gamot lang ito sa balat, kung nagkataong gamot na iniinom ito baka nalason pa ang binigyan nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply