Mga bulok na sinehan ni Boy Lao, ipasara na (2)

NAPAKALAPIT lang ng tanggapan ng DOH sa mga  bulok na sinehan nitong si Boy Lao riyan sa may kahabaan ng Sta. Cruz, Claro M. Recto at Quezon  Blvd. sa Maynila.

Pero bakit parang walang nakikita ang mga magagaling nating tauhan ng Department of Health?

Kailan pa kayo kikilos, kapag malala na ang HIV sa ating bansa?

Mahiya naman kayo, ang lalaki ng mga suweldo ninyo, kung hindi niyo kayang protektahan ang mamamayan, aba eh ano pa ang ginagawa ninyo riyan?

Huwag kayong magbutas ng upuan, bakantehin niyo na yang mga

puwesto ninyo riyan sa DOH at City Health Department ng mga lokal

na pamahalaan.

Bukod sa DOH at local city health department, dapat rin sigurong i-monitor ng MTRCB ang mga bulok na sinehan nitong si Boy Lao kung

saan ay talamak ang prostitusyon sa loob.

MTRCB Chairwoman, Mary Grace Poe Llamanzares, baka sakaling hindi niyo pa alam, itong mga bulok na sinehan nitong si Boy Lao ay

nagpapalabas ng mga lumang  bold na pelikula at sa loob ng sinehan ay makikita mo ang mga nakasusukang tanawin kung saan ay “live” na

nakikipag-sex nang nakatayo ang mga manonood na bakla at matrona sa mga nakatambay na callboy sa loob.

Oh baka naman nakatimbre rin sa MTRCB ang mga putahan nitong si Boy Lao kaya pati ang inyong tanggapan ay nagbubulag-bulagan din sa  ganito kalalang prostitusyon.

Dahil kung hindi ito nakatimbre sa ilang tiwaling tauhan ng MTRCB ay hindi maglalakas loob itong si Boy Lao na magpalabas ng malalaswang panoorin.

Ang MTRCB ang direktang may hawak ng mga sinehan sa buong bansa kaya inaasahan nating  gagawa ng kaukulang aksyon dito si Chairwoman Llamanzares.

Patunayan ninyo,  Chairwoman Llamanzares, na kaya ninyo itong ipasara at kung sakaling maipasasara ninyo ang mga bulok na sinehan ni Boy Lao, ay personal ko kayong pupuntahan sa inyong tanggapan para saluduhan.

Nananawagan po tayo sa Manila City Hall, Quezon City Hall, Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), National Bureau of Investigation (NBI) DOH at Local City Health Department na samahan ninyo ang MTRCB  para maipasara ang lantarang putahan nitong si Boy Lao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply