Mga depositor ng LBC bank babayaran – PDIC

SINIGURO ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na mababayaran ang lahat ng valid accounts at deposit insurance claims ng nagsarang LBC Development Bank sa lalong madaling panahon.

Sinabi ng PDIC, na hintayin lang muna ang kanilang anunsyo oras na matapos na ang pagsusuri sa bank records.

“The Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) assures the public, particularly depositors of LBC Development Bank, that the Corporation will pay all valid accounts and deposit insurance claims as soon as possible,” parte ng statement ng PDIC.

Noong Biyernes (Setyembre 9) ay tinake over ng PDIC ang mga branch ng LBC bank matapos na magsara.

Ang LBC Development Bank ay isinailalim ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa PDIC receivership dahil sa liquidity problems.

Umaabot sa 321,516 ang total deposit accounts ng naturang bangko.

Kaugnay nito, inaasikaso na rin ng PDIC ang pagsasagawa ng depositors forum para sa mga depositor sa head office nito at sa 19 na sangay nila nationwide.

Ipapaliwanag sa naturang forum ang procedures at requirements sa pagpa-file ng claims at pagsagot sa mga katanungan ng mga depositor.

Maglalagay din sila ng abiso sa kanilang website at mga branch, gayundin sa iba pang lugar.

Maaari ring bisitahin ng mga depositor ang head office ng LBC bank sa 809 J. P. Rizal St., Poblacion, Makati City.

Sa pinaka-latest na datos nitong Hunyo (2011), ang LBC Development Bank ay mayroong estimated total deposit liabilities na P6.09 bilyon o katumbas ito ng “one tenth of one percent” ng total deposits sa Philippine banking system.

Ayon sa PDIC, ang insured deposits sa naturang thrift bank ay nagkakahalaga ng P3.73 bilyon.

Mula sa kabuuang 321,516 deposit account nasa 99.4 percent ang “fully covered” ng deposit insurance.

Kaninang umaga (Lunes, Setyembre 12), ang mga depositor ay galit na sumugod sa mga sangay ng LBC bank matapos na lumutang ang balita na nagsara na ang mga ito, sa pangambang hindi na maibabalik pa ang kanilang mga nakadepositong pera na ayon sa kanila ay kanilang pinaghirapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply