Mga estudyante may pasok bukas –DepEd

IPINAHAYAG ng Department of Education (DepEd) tuloy ang klase sa lahat ng antas bukas sa kabila ng malawakang transport strike sa Metro Manila.

Sa advisory ng DepEd, may mga alternatibong paraan kapag walang masakyan ang mga mag-aaral at ito ay tiniyak na ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa ahensiya, libu-libong pulis din ang ikakalat sa mga lansangan na magbibigay ng seguridad sa mga apektadong pasahero.

Una nang tiniyak ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa higit 200  trucks at bus na kanilang ipapagamit para sa libreng sakay ng mga inaasahang mai-stranded na mga pasahero.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply