Mga estudyante ng PUP nag-walk out

NAG-WALK OUT ang libu-libong estudyante at faculty members ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta, Mesa Maynila kaninang umaga upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pagtapyas ng budget para sa edukasyon sa 2012 proposed budget.

Ayon kay PUP Central Student Council President Fatima Villanueva, hindi sapat ang panukalang P734.78 million na budget sa state colleges and universities (SCU’s) para sa susunod na taon.

Dapat umano ay gawing P2 billion ang pondo para sa SUCs upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante.

Sa walk-out ng mga estudyante at kawani ng nasabing unibersidad ay isinisigaw ng mga ito ang “PUP budget di sapat! 2 Billion dapat!”

Inikot ng mga nagprotesta ang iba’t ibang gusali ng unibersidad.

Sinabi naman ni Rommel Aguilar ng PUP Student Regent na hindi sapat ang naturang budget para sa mga estudyante.

“Hindi ito sapat. Sa totoo nga ay wala pa sa kalahati ito ng aming tumpak na pangangailangan. Kahit pa sabihin ng DBM, ng Kongreso o Senado o kahit pa ng tagapagsalita ni PNoy na ‘diumano’ ay mayroong dagdag na humigit kumulang sa P57 million sa aming pondo ngayong taon mula nitong nakaraan ay kulang pa rin.” ayon kay Aguilar.

Dagdag pa nito, hindi lamang umano sa edukasyon mayroong ganitong pagpapabaya kung ‘di maging sa iba pang serbisyong panlipunan tulad sa kalusugan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply