Mga estudyante titigil dahil sa kalamidad

MARAMING nasisira at nasasayang dahil sa kalamidad sa tag-ulang ito.

Por eksampol ang pag-aaral ng mga kabataan.

Unti-unti, dumarami ang naririnig at nalalaman nating hindi na magpapatuloy sa pag-aaral na mga bata.

Ang mga nasa kolehiyo lalo na.

oOo

May mga taga-Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Isabela at Cagayan sa mga estudyanteng ito.

Ang pamilya ng mga ito, Suki, ang nasiraan ng hanapbuhay dahil sa  nagaganap na mga pagbaha makaraang manalasa ang bagyong Pedring.

Kahit umalis na si Pedring, patuloy na nalulunod ang mga tahanan at hanapbuhay ng milyong pamilya dahil sa tuloy-tuloy na pagpapakawala ng mga dam ng kanilang naiipong tubig mula sa bagyo.

Ang masama pa, lalong magtatagal ang paghihirap ng mga biktima dahil sa pagdating ng bagyong Quiel at ang paparating pang bagyong Ramon.

oOo

Inilalabas natin ang balita at nalalaman natin ito para matugunan sana ng mga onorabol.

Lalo na ang mga nasa Palasyo, Kongreso at Local Government Unit.

Talagang marami ang mga kabataang nanganganib ang kanilang pag-aaral.

Magandang hanapin ng mga onorabol ang mga kabataang ito na maaaring ganap nang hindi makatapos dahil sa kalamidad.

Kung mawawalan ang mga ito ng pagkakataon na makakumpleto ng edukasyon, madadagdag na problema ang mga ito sa lumalaking bilang ng mga istambay.

Masasayang din ang pagkakataon na mapabilang sila sa mga inaasahan ng lahat na maging pag-asa ng kinabukasan ng buong bayan.

O kayong, mga onorabol, kumilos at hanapin ang mga batang ito para sila’y matulungan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply