Mga gagong taxi driver dapat di pagmanehuhin

KUNG may mga gago at ulol na mga taxi driver na walang pakundangan kung magpaharurot ng kanilang ipinapasadang taxi sa kalsada, ito na yatang si Porferio Agarao ang pinaka-gago at pinakaulol sa lahat ng mga ito.

Bakit kanyo? E, sukat ba namang pagbubugbugin ng tarantadong driver na ito si Jobert Toledo ng McDonald’s.

Eto ang kuwento ni Toledo nang makausap natin siya sa kanyang celphone.

Habang naglalakad daw si Toledo sa pedestrian sa SM Cubao na noon ay naka-Stop ang mga sasakyan, tumawid daw siya kasama ang iba pang mga tumatawid. Nauna raw siya  sa mga tumatawid pero noong nasa gitna na raw sila ay bigla namang nag-Go ang ilaw ng mga naka-stop. Noong makita ng gagong si Agarao na Go na sila habang minamaneho naman ang Soundwave Taxi na may plate # na TXY-533, bigla raw inarangkada ng ulol ang kanyang taxi pagkatapos ay sabay preno na dahilan ng pagkasubsob sa unahan ng taxi  si Toledo.

Pero tuloy-tuloy pa rin ang arangkada ng huli kaya sa tindi ng galit ng una ay hinampas niya ang likuran ng taxi. Pero bumaba ang gagong 6-footer na driver at pinagsusuntok nito si Toledo bago sumakay ulit sa minamanehong taxi at pinaharurot nang naiwang duguan ang kaliwang siko ni Toledo.

Natunton lang ang ulol nang mag-report ang una sa Karingal.

Nagharap ang dalawa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Halos apat na beses na hindi sinipot ng  driver at ng operator nitong si Eracio Egalla ang hearing sa LTFRB. Maging ang naging desisyon ng LTFRB ay binabalewala ng mag-amo.

Aba ang dapat sa mga ito ay tuluyan nang i-ban ng LTFRB  at ‘wag nang bigyan ng prangkisa.

Anomang reklamo o pu-na ay i-text lang sa 091892-74764, 09266719269 o  i-email sa juandesabog@-yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply