Mga isdang ‘putok’ muling nasabat sa Maynila

MULI na namang nakakumpiska ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resiurces (BFAR) kagabi (Huwebes, Setyembre 8) ng 800 kilo ng isdang putok o isdang nahuli sa pamamagitan ng dinamita sa bahagi ng Delpan Port sa Maynila.

Ayon kay Atty. Asis Perez, director ng BFAR, nasabat ang halos 800 kilo o 14 na kahon ng iba’t ibang klase ng isdang putok.

Sinabi pa ni Atty.Perez, nakatanggap sila ng impormasyon na may darating na isdang putok na sakay ng isang cargo vessel na MV Gemma na galing sa Palawan kaya agad silang nagsagawa ng operasyon.

Nang siyasatin ng quick response team ng BFAR ang tiyan ng mga tuna at dalagang bukid ay nakitang may dugo ang mga ito.

Nitong Lunes lamang ay dalawang toneladang putok na isda ang nasabat ng ahensya.

Samantala, nagbabala naman ang DOH sa BFAR na maghinay-hinay sa pamimigay ng isdang putok sa mga piitan, charitable institutions at government hospital.

Ayon kay Dr. Lyndon Lee Sy, program manager ng emerging and re-emerging infectious diseases ng DOH, kailangang suriin munang mabuti ang isda bago ito ibigay. Kailangang malaman ang toxic level na meron ang mga nasabat na isda.

Kapag mataas ang lebel nito ay maaaring makasama ito sa kalusugan ng taong kakain. Maaaring magka-allergy o malason ang kakain ng nasabing isda. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply