Mga lumang pera aalisin sa sirkulasyon

IPINAHAYAG ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi na magagamit ang ibang pera sa 2014 kaya dapat na itong ilabas sa merkado at papalitan na sa bangko.

Ang pahayag ng BSP ay kaugnay sa ipinalabas na advisory sa publiko dahil hanggang 2014 na lamang maaaring magamit ang mga perang may lumang imprenta o disenyo.

Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, kapag nawalan na ito ng halaga ay mistulang karaniwang papel na lamang ito na walang katumbas na ginto at hindi maaaring ibili sa merkado.

Idinagdag pa ng opisyal na pagsapit ng 2013, aabot sa 75 porsiyento ng sirkulasyon ng salapi sa bansa ay puro bago na ang disenyo at posible rin aniyang baguhin ang disenyo ng mga barya.

Sinabi naman ni BSP Manager Grace Malic na 702 milyong piraso ng bagong pera ang inaasahang mailalabas ngayong taon ng kanilang tanggapan.

Hinihikayat din ng BSP ang lahat na ilabas sa mga karaniwang pinagtataguan ang mga baryang pera at gamitin ito sa mga transakyon sa araw-araw. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply