Nakatambak na gamit ng PCG iimbestigahan

IIMBESTIGAHAN na ng House committee on transportation ang ulat na daan-daang milyong pisong halaga ng navigational spare parts ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nabubulok at napapabayaan sa kanilang mga warehouse.

Kinumpirma ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, vice-chairman ng naturang komite, na magsasagawa na siya ng “moto propio” investigation kaugnay sa nasabing isyu na ibinunyag ng Commission on Audits (COA).

Sinabi ng kongresista na ang hindi paggamit ng mga naturang navigational device ay maaaring isa sa mga dahilan kung bakit marami ang mga nagaganap na trahedya sa karagatan.

Nanghihinayang din umano ang mga mambabatas dahil sa ilang mga lighthouse sa buong bansa ay hindi gumagana at napababayaan dahil sa kakulangan sa spare parts.

Sinabi pa ni Evardone, hindi na dapat pang paalalahanan pa ang kahalagahan ng mga navigational equipments sa pagiging isang archipelago ng Pilipinas. Nararapat rin aniya na papanagutin ang sinumang nasa likod ng kapabayaan sa mga milyon-milyong pisong kagamitan ng Coast Guard na nabubulok lamang sa mga warehouse.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply