Mga nakatenggang eroplano sa NAIA ibebenta na

IBEBENTA na lamang ng Manila International Airport Authority ang mga erpolanong inabandona na ng mga may-ari na nakaparada sa parking  space ng general aviation area ng Ninoy Aquino Internationa Airport complex.

Ayon kay retired Major General, Jose Angel Honrado, general manager ng MIAA, binibigyan nila ng 30 araw ang mga may-ari ng mga eroplano upang sumunod sa utos na alisin na ang mga ito sa parking space dahil gagamitin na ang lugar sa operasyon ng airport.

Ang iba umanong mga eroplano na hindi na maayos ang kundisyon ay nagsisilbing panganib sa operasyon ng paliparan bukod sa hindi na ito maganda sa paningin.

Nabigyan na umano ang mga may-ari ng “notice” noon pang Oktubre 2010 subalit hindi pinansin ng mga ito babala.

Ayon sa pamunuan ng MIAA, may panahon pa ang mga ito hanggang Setyembre 10 na kunin ang kanilang mga eroplano bago pa man “ipa-por kilo” ng MIAA.

Sinabi naman ni Airport Monitoring inspector Lloyd Villagante na marami sa mga eroplanong nakaparada ay hindi na nakakalipad o sira na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply