Mga namerwisyo sa daan mananagot– Honasan

SINUPORTAHAN ni Senador Gringo Honasan ang hakbang ng gobyerno na papanagutin ang mga lumahok sa tigil-pasada na inilunsad ng Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) kahapon (Setyembre 19).

Sinabi nito na bagama’t karapatan ng mga tsuper at operators na magpahayag ng kanilang saloobin, responsibilidad naman nila na alamin na may karapatan din ang ibang tao na nasasagasaan at napeperwisyo sa kanilang pagkilos.

Dapat aniya, laging unahin sa ganitong klaseng pagkilos o usapin ay ang interes ng publiko at hindi ang interes ng iilang grupo o indibidwal lamang.

Sinabi ni Honasan na kung mapatutunayang nakagawa ng paglabag sa batas at nakapinsala sa higit na nakararaming mamamayan ang tigil-pasada ng Piston na sinawsawan pa ng iba’t ibang militanteng grupo ay dapat na parusahan sila gaya ng isinasaad sa ating Saligang Batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply