Mga pag-ulan sa MM di dahil sa bagyo

INANUNSYO ng Philiipine Atmospheric Geophysical and Astronomical Servie Administration (Pagasa) na ang mga ulan na bumuhos sa Metro Manila kaninang umaga (Huwebes, Setyembre 15) ay hindi epekto ng bagyo kundi ito ay dahil sa pagkulog at pagkidlat o thunderstorms.

Sinabi ni Pagasa forecaster Aldczar Aurelio na umasa na ang mga residente sa Metro Manila na ang nasabing thunderstorms ay tatagal pa hanggang Sabado.

“Dito sa Metro Manila, tinatawag nating thunderstorm kaya tayo nakakaranas ng pag-ulan. At meron tayong binabantayang isang low-pressure area (pero) maliit lamang ang tsansang maging bagyo ito dahil sa oras na ito ay humihina na ito,” pahayag ni Aurelio.

Makakaasa aniya na bubuhos ang ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa ilang parte ng Luzon, kabilang ang Central at Southern Luzon.

Sa naunang tweet sa Pagasag sa kanilang Twitter account, ang pagulan sa Metro Manila ay sanhi ng “isolated rain shower.”

Samantala, sinabi ni Aurelio, ang pag-ulan ay maaring tumagal pa ng tatlong araw sanhi ng “enhanced monsoon.”

Nauna pa rito, sinabi ng Pagasa na ang LPA ay maliit lamang ang tsansang maging bagyo.

Ngunit kung ang LPA ay maging isang ganap na bagyo ito ay tatawaging “Pedring.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply