Mga panadero humihingi ng diskuwento sa harina

HUMIRIT ngayon ng diskwento sa presyo ng harina ang samahan ng mga panadero para makapagdeklara ng price rollback sa pagpasok ng Kapaskuhan.

Ayon kay Philippine Baking Industry Group Director Simplicio Umali Jr., sa oras na mapagbigyan ng Philippine Association of Flour Millers ang kanilang kahilingan ay nangangako ang kanilang hanay na ibababa ang presyo ng iba nilang tinapay maging ang Pinoy Tasty.

Hinihintay pa sa ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang sagot ng grupo ng flour millers hinggil sa apela na mga panadero upang malaman ang magiging presyuhan ng tinapay.

Nauna rito bigo ang DTI na pigilan pa ang nakaambang pagtaas ng tinapay partikular ang Pinoy Tasty.

Ang mataas na presyo ng tinapay ay batay na rin sa pahayag ng Philbaking na bunsod ng mataas na presyo ng harina.

Sa ngayon, ay mahigit pa umano sa 100 porsyento ang itinaas ng presyo ng trigo sa world market na pumapalo na sa $9.54 kada balde kumpara noong 2010 na umabot lamang sa $ 4.48 kada balde.

Dahil dito, sakaling maibaba ang presyo ng harina, ay mula sa kasalukuyang P38 presyo ng Pinoy Tasty loaf bread, ito ay magiging P39.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply