Mga pasahero sa Cagayan stranded dahil sa bagyong Quiel

STRANDED na ang may 25 katao sa pantalan ng Brgy. San Vicente sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan dahil sa bagyong Quiel.

Sinabi ni Chief Petty Officer Ernesto Renon ng Philippine Coast Guard (PCG) Aparri na nasa bunkhouse na ng Maconacon sa Sta. Ana ang mga nai-stranded.

Patungo sana ang mga ito sa bayan ng Maconacon at Divilican subalit hindi na pinayagang makapaglayag dahil lumaki ang alon sa baybaying dagat sanhi na rin ng masamang panahon.

Hindi pa ring pinapayagang pumalaot ang mga ito hangga’t nakataas pa sa signal warning No. 3 ang lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Samantala, nasa evacuation center pa rin ang 21 pamilya sa bayan ng Alcala, Cagayan matapos hindi pa rin humuhupa ang tubig-baha.

Sa ngayon, nakahanda na ang lokal na pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa paparating na bagyong si Quiel kung saan naka-deploy na ang mga rescuers sa iba’t ibang bayan partikular sa mga coastal towns ng lalawigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply