Mga preso sa Pasay City Jail nanggulo

NANGGULO ang mga bilanggo kanina sa loob ng Pasay City Bureau of Jail Management and Penology makaraang tutulan ang paglilipat ng tumatayong pangalawang mayor sa piitan.

Ang mga preso na pinamumunuang “Sigue-Sigue Sputnik Gang” ay nag-ingay at nambato sa labas ng bintana ng city jail bilang protesta sa paglilipat sa 2nd mayor ng bilangguan na si Anthony Poner, may kasong Illegal Possion of firearms, sa New Bilibid Prisons, Muntinlupa City.

Tutol sila sa paglilipat kay Poner sa Bilibid dahil sa maganda ang pakikipag-ugnayan nito sa mga preso at nasusugpo ang pagpasok ng iligal na droga sa loob ng bilangguan.

Tinututulan din ng mga preso ang pamumuno ni Nady Jaime, isa pang mayor sa nasabing kulungan, na umano’y nagmamalupit sa mga preso at hindi kayang ipagtanggol ang mga naaaping bilanggo.

Batay sa hinaing ng mga preso, malayang nakapapasok ang shabu sa loob ng bilangguan, pinagbabawalan ang kanilang dalaw na magdala ng pagkain upang kumita ang tindahan ng kawani ng BJMP sa loob ng piitan.

Bukod pa rito, nagkukunwari umano ang mga tauhan ng BJMP sa pagpasok ng sigarilyo pero sila mismo ang nagbebenta nito sa halagang P20 kada stick.

Noong December 27, 2006, nagsagawa rin ng “noise barrage” ang mga bilanggo ng Pasay City Jail upang tutulan ang mahigpit na pagtanggap ng dalaw ng pamunuan ng BJMP matapos masakote ang apat na inmates dito na nagpupuslit ng droga sa loob mismo ng nabanggit na kulungan

Samantala, apat na preso na pawang mga mayor sa kanilang mga selda ang sinailalim sa isang drug test matapos “kumanta” ang misis ng isa pa ring preso na ang mga ito ang nakikinabang hinggil sa drogang ipinasok umano niya sa loob ng Pasay City Jail.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply