Mga pulis sa San Miguel mga drug protector

KUNG sino pa ‘yung mga pulis na inaasahan ng mamamayan na susugpo sa lumalalang  paglaganap ng droga sa bansa ay sila pa ‘yung nagsisilbing mga drug protector.

Gaya na lamang sa  San Miguel, Bulacan.

Ayon sa mga taga-San Miguel, talamak daw sa kanila ang bentahan ng droga partikular na raw po sa Barangay Sta. Rita.

Mapa-bata at mapamatanda ay pawang mga durugista raw dahil walang takot at lantaran kung  magbenta ng drugs ang mga pusher.

Ang masama pa rito, sa halip na paghuhulihin ang mga ‘tulak’, ang mga pulis pa ang nagsisilbing protector ng mga ito.

Aba, ano ang ginagawa ninyo, Bulacan Provincial Director Chief/Supt  Fernando Mendez sa inyong puwesto bilang PD?

Mukhang lumilinya na sa droga ang mga pulis ninyo sa San Miguel.

Basahin ninyo ang  reklamo ng mga taga-San Miguel sa mga pulis ninyo.

Sir Johnny Magalona, gud morning po. Concerned citizen ako ng San Miguel, Bulacan.

Pakikalampag nga po ang mga kinauukulan sa San Miguel, Bulacan. Talamak ang bentahan ng droga sa Brgy. Sta. Rita pero wala ni opisyal ng kapulisan ang kumikilos laban dito.

Bata at matanda,  maging sa lahat ng kalapit  na barangay, ay maraming nag-aadik.

Ang malala po, pati ang ilang pulis ay protector at sangkot sa bentahan ng droga. Salamat po.

TONG-COLLECTION  SA WACCO

Sino itong isang pulis sa WACO kung tawagin ay Mel ang kumukuha ng I.N.T.  sa mga pasugalan at bold ng mga night club.

Malakas daw ang pulis na ito sa mga opisyal ng PNP kaya kahit magkaroon man ng revamp ay ‘di siya apektado dahil malaki siyang magbigay ng ‘tara’ sa kanyang nagiging opisyal.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply