Mga suwitik binebeybi, mga biktima pinapalo

HABANG naghahanda ang mga tsuper at operator ng welga laban sa oil price hike, panay naman ang dakdak ng mga taga-Palasyo na ipasisilip at ipakakansela nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga prangkisa ng mga lalahok sa welga.

Tinatakot ng mga batang PNoy ang mga tsuper at operator.

Nagaganap ito habang nakaiskedyul si PNoy na mambola, este, makinig sa mga hinaing ng mga tsuper at operator.

Wala sa wisyo ang Malakanyang boys.

oOo

Habang mainit ang dugo ng mga batang PNoy sa mga tsuper at operator, ni hoy ni ha naman sila sa pagtawag sa mga kompanyang langis para kastiguhin ang mga ito sa labis-labis na oil price hike.

Ang panloloko ng mga ito, lalo na ang Petron, Shell at Chevron, ay kitang-kita sa pagiging nasa top ten corporations ng mga ito sa rekord ng Securities and Exchange Commission.

Kabaligtaran ito ng pagiging nasa listahan ni Dinky Soliman ang mga tsuper at operator na benepisyaryo ng limos mula sa Conditional Cash Transfer dahil sa kagagawan ng mga kompanya.

oOo

Madaling maintindihan, Suki, kung bakit ang mga tsuper at operator ang gustong sinturunin at tuluyang gutumin ng mga taga-Palasyo sa pagkansela ng prangkisa ng sasakyan ng mga ito.

Itong mga hinayupak sa Malakanyang ang nakikinabang sa malalaking sahod at kapritso mula sa 12% EVAT sa langis na nasa P100 bilyon taon-taon.

Pero hindi rin kaya sila nakikinabang sa bilyones na piso mula rin sa prangkisa ng mga dyipni, traysikel, taksi atbp?

Gawin kaya nating tsuper o operator ang mga ito ng traysikel para maramdaman nila ang hirap sa oil price hike?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply