Mga timbangang nakumpiska ibebenta ng QC gov’t

PLANO ng Quezon City Treasurer’s Office na isubasta na ang mga timbangang nakumpiska na hindi na tinutubos ng mga may-ari matapos ang sunud-sunod na pagkasa ng raid sa mga palengke sa lungsod.

Ayon kay QC treasurer Edgardo Villanueva, kaysa mabulok sa kanilang imbakan ay mas mabuting ibenta na lamang ang mga ito sa murang halaga at mapakinabangan ng mga vendor.

Base sa talaan ng ahensya, aabot sa 500 timbangan ang nasa kanilang kostudiya na pawang mga nakumpiska.

Aniya, kailangan lamang i-calibrate ang mga timbangan para muli itong magamit at mapakinabangan.

Isinagawa ng lokal na pamahalaang lungsod ang raid sa Kamuning Public Market kamakalawa at nakumpiska ang mahigit sa 40 depektibong timbangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply