Mike Arroyo tinanggal na sa watch list ng BI

TINANGGAL na sa watch list order ng Bureau of Immigration si Jose Miguel Arroyo, asawa ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Wala umanong magagawa si Justice Secretary Leila de Lima upang panatilihing nasa watch list ang dating first gentleman matapos lumabas ang desisyon ng Senate Blue Ribbon Committee na hindi na nila pahaharapin si Arroyo sa kanilang mga pagdinig sa maanomalyang pagbili ng PNP ng mga second-hand na helicopters.

Nauna nang nag-isyu si de Lima ng watch-list order laban kay Arroyo, sa hiling na rin ng Senate Blue Ribbon Committee dahil kakailanganin umano ito sa mga darating na pagdinig. Subalit nagbago ang desisyon nito kamakailan.

Nilinaw naman ni de Lima na mananatili ang WLO laban sa dating bookkeeper ng pamilya Arroyo.

Nagdesisyon umano ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona III na hindi na paharapin si Arroyo sa mga pagdinig sa Senado matapos ang medical valuation sa kondisyon nito na isinumite ng executive director ng Philippine Heart Center na si Manuel Chua Chiaco, Jr. na tumestigo na si Arroyo ay kinakitaan ng sakit sa puso at patuloy na “dissecting aneurism of the descending thoracic aorta.” Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply