Mike Tan napaiyak

ALAM ni Mike Tan na marami ang pumupuna sa kanyang kakayahang umarte kaya naman mas nauna pang nabibigyan ng project ang mga bagong batch na winners ng “Starstruck.”

Pero sa halip na mag-self-pity, nag-ipon siya ng lakas ng loob para i-reinvent ang sarili at mag-undergo ng acting workshop upang patunayan na may karapatan din siyang mapabilang sa showbiz.

At ang matagal ng hinihintay na break ay dumating nang ipagkatiwala sa kanya ng GMA-7 ang male lead star ng “Kung Aagawin Mo ang Langit” bilang leading man nina Carla Abellana at Michelle Madrigal sa direction ni Jay Altarejos.

Sa presscon ng teleserye ay halos maiyak si Mike, lalo nang binati siya ng mga kapwa Starstruck star.

Samantala, nilinaw din ni Mike sa presscon na walang katotohanang nagpalit siya ng pangalan.

Tsika kasi na Michael Tan na ang ginagamit niyang pangalan para mabigyan ng bagong impact ang pagbibida niya sa Kung Aagawin Mo Ang Langit sa GMA-7.

May nagpayo kasi sa kanya na may recall na sa mga viewer at sa publiko ang Mike Tan kaya ito na rin ang gagamitin niyang screen name.

***

NAKUNAN ang na love scene nina Michelle Madrigal at Mike Tan sa teleseryeng nilang Kung Aagawin Mo Ang Langit, pero bago raw ito nakunan ay ninerbiyos raw si Michelle.

Alam daw nitong marami ang magtatas ng kilay sa kanyang sinabi na ninenerbiyos siya sa love scene, pero yun daw talaga ang totoo dahil first time niya ang love scene sa harap ng camera at yun din daw ang unang daring scene na gagawin niya sa kanyang showbiz career.

Wala pa naman daw siyang nakahalikan nang matindi sa showbiz magmula ng mag-artista siya. Hindi raw niya maituturing na passionate kiss ang ginawa nila ni Richard Gutierrez sa “Captain Barbell” dahil smack lang daw yon.

Sa bago raw niyang teleserye, bukod sa marami silang bed scenes ni Mike, hindi na rin daw niya mabilang ang gagawin nilang kissing scene.

Samantala, ikinagulat ni Michelle ang nakarating sa kanya na pinigilan ni Carmina Villaroel si Zoren Legaspi na maging leading man niya sa pelikulang “Huling Sayaw Ni Salome.”

Hindi makapaniwala si Michelle na pagseselosan siya ni Carmina dahil wala raw sa hitsura ng live-in partner ni Zoren ang magselos.

Anyway, nagpapasalamat na lang si Michelle na hindi na si Zoren ang kanyang leading man dahil ayaw raw niyang maakusahang home wrecker.

***

SA “RIPLEY’S Believe It or Not,” maniniwala ka bang totoong aqua man, maninirahan sa isang acrylic tank para gumawa ng record bilang taong pinakamatagal sa ilalim ng tubig? Batang anim na taon gulang pa lang kaya nang makipagsabayan sa matatanda sa skateboarding, lalaki mala-elepante ang mga paa na nawawalan nang pag-asa pero dahil sa sapatos na nagkasya sa kanya, nagbigay ng pag-asa sa buhay a.t.b.p. hosted by Chris Tiu sa GMA-7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply