MILF vs BIFM: 4 patay, 5 grabe

NASAWI ang apat na katao at lima ang sugatan makaraang magkasagupa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) sa Barangay Ganta, Datu Piang, Maguindanao.

Nabatid kay MILF Civil Military Affairs Von Alhaq, nagkasagupa ang grupo nina Kumander Adan ng 106th Base Command ng MILF at Kumander Abdul Radjack nga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Halos tatlong oras ang itinagal ng palitan ng putok na nagresulta ng paglikas nang maraming sibilyan dahil sa takot.

Humupa lamang ang bakbakan nang mamagitan ang MILF Ceasefire Committee at mga miyembro ng International Monetoring Team.

Nabatid na dalawa sa mga nasawi at dalawa sa mga nasugatan ay mula sa panig ni Kumander Adan habang dalawa ang binawian ng buhay at tatlo ang sugatan sa grupo ng BIFM.

Kasalukuyang mainit pa rin ang BIFM na pinamumunuan ni Kumander Ameril Ombra Kato at nais bumalik sa MILF.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply