MILF walang balak makipag-usap sa GRP Panel

WALANG balak makipag-usap sa GRP Panel ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panel para maisulong ang ikalawang usapang pangkapayapaan..

Ayon kay Jun Mantawil, pinuno ng MILF Peace Panel Secretariat, ito ay hangga’t hindi binabago ng gobyerno ang iniaalok nitong peace plan.

Iginiit ni Mantawil na malabo ang hirit ng gobyernong Aquino para sa second round talks sa September 12 at 13 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Binigyang diin ni Mantawil na magka salungat ang isinusulong nilang genuine autonomy sa integration na nais mangyari ng gobyerno. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply