Mindanao inilagay sa full alert status ng PNP

INILAGAY ngayon (Sabado) ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa full-alert status ang Mindanao kasabay ng paggunita sa ika-10 taong anibersaryo ng 9/11 terror attack sa Estados Unidos bukas (Linggo).

Bukod dito inilagay naman sa heightened alert status ang Luzon at Visayas, base na rin sa nakakalap na mga impormasyon.

Ayon kay PNP chief Nicanor Bartolome, ito ay bahagi ng pre-emptive measure kung sakaling mayroong magsamantalang mga terorista na maghahasik ng kaguluhan sa iba’t ibang parte ng bansa.

Nilinaw naman ni Bartolome na agad na babawiin ang alert status depende sa resulta ng assessment nila sa sitwasyon. Ngunit aniya, hindi dapat na mangamba ang mga mamamayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply