Misis namaril sa mall: Sekyu patay, mister kritikal

PATAY ang isang security guard nang tangkaing pigilan nito ang isang babae na nais barilin ang sarili makaraang barilin naman ang kanyang asawa sa loob ng isang mall sa Quezon City kagabi, Setyembre 14.

Ayon sa report ng dzBB umaga ng Setyembre 15, isinugod pa sa Quezon City General Hospital ang guwardiyang si Ricardo Inamac III, nakadestino sa SM North EDSA.

Nakadetine naman ngayon ang nakabaril na si Sheila Macapugay sa Quezon City Police District Station 2 habang ang kanyang asawa na si Abel ay nananatiling nasa kritikal na kondisyon sa Quezon City General Hospital.

Nabatid na nagtungo si Sheila sa basement ng mall kung saan nagtatrabaho ang kanyang asawa at agad na binaril ito.

Nagtangka siyang barilin ang kanyang sarili nang tangkain siyang pigilan ni Inamac. Nag-agawan sila sa armas kung at sawimpalad na natamaan si Inamac sa katawan.

Sa hiwalay naman na report, nabatid na nagtungo sa mall ang babae at kinausap ang kanyang asawa tungkol sa sustento na umalis din naman ang suspek matapos ang pag-uusap.

Ngunit ilang oras lamang ang nakalilipas, bumalik si Sheila at binaril ang asawa.

“Tinutok niya baril sa ulo, inawat siya ng gwardya kaya pati ang gwardya nabaril niya,” ayon kay Station 2 commander Superintendent Audie Madrideo sa panayam sa dzBB.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply