Misis pinatay, inilibing sa loob ng kampo: ‘Ampatuan’ kalaboso

KALABOSO ngayon si Pfc. Mariano Ampatuan, nakatalaga sa 524th Engineering Battalion ng Phil. Army, makaraang patayin nito ang kanyang asawa at inilibing pa sa loob ng kampo.

Nabatid kay Cotabato PNP provincial director S/Supt. Cornelio Salinas na pinatay ng suspek ang kanyang misis na si Bernadeth Ampatuan, sister-in-law ni Davao Del Sur 2nd District Board Member Isabelo Masiwel matapos mag-away noong Setyembre 11 dakong 8:00 ng gabi kasunod ng paglilibing nito sa loob mismo ng kampo ng 602nd Brigade Phil.Army sa Carmen, North Cotabato.

Dahil dito, humingi ng tulong si Masiwel sa nangyari sa kanyang kamag-anak kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala”Talinio Mendoza at kay Salinas, kung saan Setyembre 21 dakong ala-1:40 ng hapon ay nahukay na ang bangkay ng biktima.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa kanyang ulo na hinihinalang pinalo ng matigas na bagay dahilan ng kanyang kamatayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply