Miss Angola Leila Lopes tatanggalan ng korona?

UMUUGONG ang panibagong alegasyon laban sa kapapanalo lang na 2011 Miss Universe Leila Lopes ng Angola na maaaring maging dahilan para bawiin ang korona nito, ayon sa ulat.

Sa lumabas na report, sinabi ng Infobae newspaper ng Argentina, na si Lopes ay nameke ng dokumento upang makalusot sa qualifying contest sa England, na ang mananalo ay ang kakatawan sa basang Angola sa nasabing beauty pageant.

Nakasaad daw sa dokumento, na tumira sa United Kingdom si Lopes at nag-aral ng business management gayong hindi naman umano umalis ng Angola ang beauty queen.

Sa report, tinulungan raw ng isang Charles Mukano si Lopes na pekein ang dokumento nito upang makalahok sa beauty contest ng Angolan community sa England.

Ayon pa sa Infobae, sa ulat ng Angolan media ay binayaran umano ni Mukano ang mga hurado ng pageant upang tiyak na si Lopes ang mag-uuwi ng korona.

Si Lopez ang kauna-unahang nag-uwi ng korona ng Miss Universe para sa Angola.

Makaraang manalo sa katatapos na Miss Universe 2011 pageant sa Sao Paulo, Brazil, binatikos ng Miss France si Lopes at ng mga tagasuporta ni Miss Universe 3rd Runner-up Shamcey Supsup, dahil hindi raw ito karapat-dapat manalo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply