Mister nagbigti sa sariling pajama

SA TAKOT na maiwan dahil mangingibang bansa ang misis, nagbigti sa pinagdugtong-dugtong na sariling pajama ang isang obrero sa Leyte.

Habang isinusulat ang balitang ito, isinailalim na sa awtopisya ang bangkay ng biktimang si Efren Almeria, 29, ng Barangay San Roque, Tanuan, Leyte upang malaman kung may foul play sa pagpapakamatay nito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang krimen dakong alas-5:30 kaninang madaling araw sa loob mismo ng kuwarto ng biktima.

Ayon sa pagsisiyasat ni SP01 Ruperto Quiro ng Tanauan police station, bago ang insidente ay nabatid na nagpaplanong magpunta sa ibang bansa ang misis ng biktima para makipagsapalaran dahil hindi umano sapat ang kinikita ng biktima.

Hindi naman pumayag si Efren sa balak ng kanyang misis dahil magkakahiwalay sila at ang gusto nito ay magkasama lang silang manirahan sa Leyte.

Dahil taliwas ang kanilang paniniwala, humantong sa pag-aaway ang diskusyon ng mag-asawa hanggang sa lumabas na lamang ang biktima para magpahangin.

Ilang oras ang nakalipas, umuwi ng bahay si Efren na lango sa alak at agad itong dumiretso sa kanyang kuwarto hindi para matulog kundi para magpakamatay. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply